Mula sa aking nabasang artikulo na isinulat ni ginoong F. Sionel Jose, ang "Why We Are Shallow", nakita ko kung gaano kalawak ang kanyang pagunawa sa kung ano nga ba ang sitwasyon ng mga pilipino sa kasalukuyan gayon pa man, sa lahat ng kanyang nabanggit ayon sa kanyang pananaw sa kung bakit ang mga pilipino ay mababaw o shallow, mayroon siyang mga katanungan sa likod nito at sa aking palagay ay gusto ng may-akda na magkaroon ang mga mambabasa ng mapanuring pagsusuri upang maunawaan ang kanyang gustong iparating.
![]() |
Tinikling |
Tayo ay mababaw sapagkat tayo ay mayabang ayon sa may-akda. Kung aking ihahalintulad ito sa aking karanasan sa buhay, katulad ng nabanggit ng may-akda na si Wilfredo Villacorta, tumatanggap lamang ako ng mga tungkulin kung alam ko sa sarili ko na kaya ko itong gampanan ng buo sa wasto at matapat na serbisyo sa partikular na gawain. Hindi man ito ganoon ka kontektado sa ginawa ni Mr.Wilfredo, ito ay nagsilbing repleksyon sa akin, sa kung sino ako at kung ano nga ba ang mga motibo ko sa mga dumarating na mga opurtunidad sa aking buhay. Ang nais ipahiwatig ni Mr. Jose, nararapat na ang bawat isa sa atin ay mapagkumbaba sa kung ano man ang hinaharap natin sa buhay, hindi lamang para sa ikabubuti ng ating mga sarili sapagkat ito'y nakatutulong din sa mga taong nakapaligid sa atin.
![]() |
Pagbabahagi ng mga Pananaw |
Sa kabila ng kanyang mga pahayag, inilalarawan lamang dito na dapat hindi tularan ang mga ganitong klaseng tao, ang taong mga mayayabang o arogante sa buhay. Binigyan ako ng kalinawagan sapagkat kung ako'y nagnanais na maging isang matalinong indibdwal na nais makamit ang tagumpay sa buhay, ang unang una dapat sa aking "steps to success" ay maging isang mapagkumbabang tao. Magkakaroon lamang ako ng tagumpay sa buhay kung aking bibigyang pansin di lamang ang mga kalakasan sa sarili sa halip ay unawain at intindihin ang aking mga kahinaan. Ang isa pang hakbang ay maging bukas sa mga taong nakapaligid sa akin upang mas epektibo ang aking mga isinasagawang mga proyekto o aktibidad. Nabanggit din dito na dapat alamin natin kung hanggang saan lamang ang ating mga kakayahan. Naniniwala ako na ang pagtigil sa tinatawag nating pagkukusa ay hindi naaangkop sa kanyang nais ipahiwatig sa halip ay magkaroon ng "openness" sa mga taong nakapaligid sa atin at tumanggap ng mga opinyon, ito ang taong intelihente.
![]() |
Telebisyon |
![]() |
Mga Akalat o Babasahin |
Sa huling talata, nabanggit dito ang "gross materialism" na kung saan kapansin pansin lalong lalo na sa mundong ginagalawan ng kasalukuyan. Ang nais ipahiwatig ng may-akda ay maging matalino tayo sa pagbili at pagkuha ng mga bagay bagay, alamin kung ito ay kinakailangan o pang sariling interes lamang. Hindi masama bumili ng gamit base sa ating mga interes subalit dapat magkaroon tayo ng limitasyon sa mga bagay bagay, masama ang sobra sobra.
Sa kabuuan ay nais ng may-akda na magkaroon tayo ng kamalayan sa kung anong kultura ang mayroon tayo partikular na ang mga Pilipino. Nais niyang ipahayag kung bakit tayo ay isang mababaw na mamamayan ng bansa. Mas magkaroon ng malalim na pagunawa sa mga bagay upang makamit ang inaasam, sa mga halimbawa na isinaad ni Mr. Jose, magsilbing hamon ito hindi lamang sa akin sa halip ay sa ating lahat na simulan ang pagbabago sa ating mga sarili at tanggalin ang negatibong kulturang nakasanayan.
Maraming Salamat po!
a short clip about CHANGE: https://www.youtube.com/watch?v=EgOPrYgjvs4
Why We Are Shallow by F. Sionel Jose: http://www.philstar.com/arts-and-culture/725822/why-we-are-shallow
Isinumite ni: Reche Jerzens M. Carcellar
Isinumite kay: Gng. Lilia C. Embat
Ang galing ng iyong artikulo. Mahusay ang paggamit mo ng iyong ideya upang maglahad ng punto.
ReplyDeletei agree..dahil nasubukan ko sa aking mga mag-aaral ang katotohanan na hindi na talaga sila nagbabasa ng mga aklat na nakakatulong sa kanilang pag-aaral, sa halip mga romance, at mga fiction story ang kadalasang binabasa nila.
ReplyDelete