Friday, July 22, 2016

Mula sa aking nabasang artikulo na isinulat ni ginoong F. Sionel Jose, ang "Why We Are Shallow", nakita ko kung gaano kalawak ang kanyang pagunawa sa kung ano nga ba ang sitwasyon ng mga pilipino sa kasalukuyan gayon pa man, sa lahat ng kanyang nabanggit ayon sa kanyang pananaw sa kung bakit ang mga pilipino ay mababaw o shallow, mayroon siyang mga katanungan sa likod nito at sa aking palagay ay gusto ng may-akda na magkaroon ang mga mambabasa ng mapanuring pagsusuri upang maunawaan ang kanyang gustong iparating. 

Tinikling
Nagsimula ang artikulo base sa kanyang sariling karanasan na kung saan nagbigay kahulugan kung bakit nga ba ang mga pilipino ay mababaw, sa panimulang talata niyang ito nagkaroon ako ng realisasyon sa nabanggit ng kanyang kaibigang asyano, tiyak ngang mas nauunawaan ng mga pilipino ang nakasanayang kultura sa bansa na kung saan mas nagkaroon ng apresyasyon ang mga pilipinong manunuod sa sayaw na tinikling, isang sayaw na nagmula sa Pilipinas na kahit ilang minuto ay kayang matutunan ng isang indibidwal, higit sa sayaw ng hapon na kung saan maaaring umabot ang pag eensayo nito ng taon. Naniniwala ako na ito ang kanyang nais bigyang pansin, ang nakasanayang kultura ng mga tao.

Tayo ay mababaw sapagkat tayo ay mayabang ayon sa may-akda. Kung aking ihahalintulad ito sa aking karanasan sa buhay, katulad ng nabanggit ng may-akda na si Wilfredo Villacorta, tumatanggap lamang ako ng mga tungkulin kung alam ko sa sarili ko na kaya ko itong gampanan ng buo sa wasto at matapat na serbisyo sa partikular na gawain. Hindi man ito ganoon ka kontektado sa ginawa ni Mr.Wilfredo, ito ay nagsilbing repleksyon sa akin, sa kung sino ako at kung ano nga ba ang mga motibo ko sa mga dumarating na mga opurtunidad sa aking buhay. Ang nais ipahiwatig ni Mr. Jose, nararapat na ang bawat isa sa atin ay mapagkumbaba sa kung ano man ang hinaharap natin sa buhay, hindi lamang para sa ikabubuti ng ating mga sarili sapagkat ito'y nakatutulong din sa mga taong nakapaligid sa atin.
Pagbabahagi ng mga Pananaw

Sa kabila ng kanyang mga pahayag, inilalarawan lamang dito na dapat hindi tularan ang mga ganitong klaseng tao, ang taong mga mayayabang o arogante sa buhay. Binigyan ako ng kalinawagan sapagkat kung ako'y nagnanais na maging isang matalinong indibdwal na nais makamit ang tagumpay sa buhay, ang unang una dapat sa aking "steps to success" ay maging isang mapagkumbabang tao. Magkakaroon lamang ako ng tagumpay sa buhay kung aking bibigyang pansin di lamang ang mga kalakasan sa sarili sa halip ay unawain at intindihin ang aking mga kahinaan. Ang isa pang hakbang ay maging bukas sa mga taong nakapaligid sa akin upang mas epektibo ang aking mga isinasagawang mga proyekto o aktibidad. Nabanggit din dito na dapat alamin natin kung hanggang saan lamang ang ating mga kakayahan. Naniniwala ako na ang pagtigil sa tinatawag nating pagkukusa ay hindi naaangkop sa kanyang nais ipahiwatig sa halip ay magkaroon ng "openness" sa mga taong nakapaligid sa atin at tumanggap ng mga opinyon, ito ang taong intelihente.

Telebisyon
Ang media ayon sa may-akda sa panahon ngayon ay napakababaw, mapapansin na gumamit ang may-akda ng malakas na paglalarawan at ito ay ang "horribly". Sa aking napapansin sa kasalukuyan bilang isang aktibong gumagamit ng teknolohiya partikular ang kompyuter at iba pang gadgets, masasabi ko na hindi na ito ganoon ginagamit bilang isang bagay na makatutulong sa ating pang araw-araw na gawain sa halip ay ginagamit na lamang ito ng karamihan bilang isang panglilibang o entertainment sa ating mga sarili. Gayundin sa mga libro o teksto, marami ngayon lalo na sa kabataan ay pokus na lamang sa mga fiction na mga libro at hindi sa mga aklat na nakapagbibigay ng kapanipakinabang impormasyon na maaring gamitin ng mambabasa sa kanyang pangaraw-araw na gawain.





Mga Akalat o Babasahin
Ineenganyo ako bilang isang mangbabasa ng kanyang akda na tangkilikin ang pagbabasa ng mga libro at teksto na kung saan makapupulot ako ng aral mula sa babasahing iyon. Ako, bilang isang indibidwal ay mas na eenganyo manuod higit sa pagbabasa dahil mas gusto kong nakikita ang isang bagay o tagaganap ang kanyang aktwal na ginagawa o kaganapan. Ito din ay nagsilbing kalinawagan sa aking sarili na maging isang taong marunong magmahal sa pagbasa. Sa linya niyang "What kind of books do Filipinos buy?", sa aking palagay ay inilalarawan niya kung ano ang esensya ng pagbabasa, kung may kabuluhan ba ito o wala at dapat nating maunawaan na ang pagbabasa ay isang armas tungo sa tagumpay. Naniniwala ako na ang pagbabasa din ay nakatutulong at nakapagbibigay ng kritikal na pagiisip sa isang tao sapagkat na eensayo nito ang kasanayan sa pagsusuri ng mga paksang nakalahad sa sintopikal na pamamaraan.

Sa huling talata, nabanggit dito ang "gross materialism" na kung saan kapansin pansin lalong lalo na sa mundong ginagalawan ng kasalukuyan. Ang nais ipahiwatig ng may-akda ay maging matalino tayo sa pagbili at pagkuha ng mga bagay bagay, alamin kung ito ay kinakailangan o pang sariling interes lamang. Hindi masama bumili ng gamit base sa ating mga interes subalit dapat magkaroon tayo ng limitasyon sa mga bagay bagay, masama ang sobra sobra.

Sa kabuuan ay nais ng may-akda na magkaroon tayo ng kamalayan sa kung anong kultura ang mayroon tayo partikular na ang mga Pilipino. Nais niyang ipahayag kung bakit tayo ay isang mababaw na mamamayan ng bansa. Mas magkaroon ng malalim na pagunawa sa mga bagay upang makamit ang inaasam, sa mga halimbawa na isinaad ni Mr. Jose, magsilbing hamon ito hindi lamang sa akin sa halip ay sa ating lahat na simulan ang pagbabago sa ating mga sarili at tanggalin ang negatibong kulturang nakasanayan.

Maraming Salamat po!

a short clip about CHANGE: https://www.youtube.com/watch?v=EgOPrYgjvs4



Why We Are Shallow by F. Sionel Jose: http://www.philstar.com/arts-and-culture/725822/why-we-are-shallow




Isinumite ni: Reche Jerzens M. Carcellar
Isinumite kay: Gng. Lilia C. Embat         























https://www.youtube.com/watch?v=EgOPrYgjvs4